Bawang sa ating pamumuhay

Maraming naitutulong ang bawang sa ating buhay. Mula sa panglunas ito ng mga sakit, nakatutulong din ito sa pagdagdag ng lasa sa ating mga kinakain. Kung kaya naman ay malaki ang epekto ng bawang sa aying ekonomiya. Kapag tumataas ang presyo ng bawang sa ating pamilihan, malaki ang epekto nito sa mga mamimili at sa producer. Sa mamimili, naapektohan ng pagtaas ng presyo ang kanilang pang araw-araw na gastusin. Imbes na nakakagamit ng bawang dalawang piraso kada araw, isang piraso na lamang.

Ano nga ba ang bawang?

Ang bawang ay isang uri ng halamang gulay na ginagamit sa pagluluto. Isa itong uri ng sibuyas na nasa pamilyang Alliaceae. Kalapit na kamag-anak nito ang mga sibuyas. Ginagamit na ito sa kabuoan ng kasaysayang nakatala, partikular na sa pagluluto at panggagamot. Mayroon itong maanghang na amoy o lasang nakapagpapabanayad at nakapagpapatamis sa mga lutuin. Nahahati ang mga kumpol nito sa mga malalamang mga butil (bahaging karaniwang ginagamit). Ginagamit ang mga butil bilang buto, pagkain (hilaw o luto), at para sa panggagamot. Nakakain din ang mga dahon, sanga o tangkay, bulaklak sa ulo at kalimitang kinakain kapag mura at malambot pa. Ang tila mga papel na balot o balat at mga ugat na nakadikit sa mga kumpol ang mga natatanging bahaging hindi nakakain. Nagmumula ang matapang na amoy ng bawang sa nilalaman nitong kompawnd na may sulpur.


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment