Ang bigas ay maituturing ng mga asyano na pangunahing pagkain. Alam ng lahat na ang bigas ay kapag naluto ay kanin na, kung saan ay ang pangunahing pagkain natin. Halos nga hindi na natin kaya ang hindi pagkain ng kanin sa isang araw. Madalas, tatlong beses sa isang araw tayo kumakain ng kanin. Kaya kung tataas ang presyo ng bigas, ay higit na maapektuhan nito ang mga mamamayan. Ang pagtaas ng presyo ay maaaring magdulot ng matinding tag-gutom.
Ang bigas ay isang karaniwang kataga para sa kiniskis na palay na tinanggal ang ipa, darak, at germ nito. Pinapakinis ito pagkatapos makiskis, na nagbibigay sa produkto ng maliwanag, maputi, at makintab na anyo. Yayamang mayroong mga diyetetikang fiber ang darak nito, mayroong mga bitamina at mineral ang germ nito, at tinanggal ang panlabas na aleurone layer nito, isang walang laman na gawgaw lamang ang bigas.
Bigas sa ating pamumuhay
9:34 AM |
Comments(0)
Bawang sa ating pamumuhay
4:26 PM |
Maraming naitutulong ang bawang sa ating buhay. Mula sa panglunas ito ng mga sakit, nakatutulong din ito sa pagdagdag ng lasa sa ating mga kinakain. Kung kaya naman ay malaki ang epekto ng bawang sa aying ekonomiya. Kapag tumataas ang presyo ng bawang sa ating pamilihan, malaki ang epekto nito sa mga mamimili at sa producer. Sa mamimili, naapektohan ng pagtaas ng presyo ang kanilang pang araw-araw na gastusin. Imbes na nakakagamit ng bawang dalawang piraso kada araw, isang piraso na lamang.
Ano nga ba ang bawang?
Ang bawang ay isang uri ng halamang gulay na ginagamit sa pagluluto. Isa itong uri ng sibuyas na nasa pamilyang Alliaceae. Kalapit na kamag-anak nito ang mga sibuyas. Ginagamit na ito sa kabuoan ng kasaysayang nakatala, partikular na sa pagluluto at panggagamot. Mayroon itong maanghang na amoy o lasang nakapagpapabanayad at nakapagpapatamis sa mga lutuin. Nahahati ang mga kumpol nito sa mga malalamang mga butil (bahaging karaniwang ginagamit). Ginagamit ang mga butil bilang buto, pagkain (hilaw o luto), at para sa panggagamot. Nakakain din ang mga dahon, sanga o tangkay, bulaklak sa ulo at kalimitang kinakain kapag mura at malambot pa. Ang tila mga papel na balot o balat at mga ugat na nakadikit sa mga kumpol ang mga natatanging bahaging hindi nakakain. Nagmumula ang matapang na amoy ng bawang sa nilalaman nitong kompawnd na may sulpur.
Subscribe to:
Posts (Atom)